PORMAL na nagbukas kahapon ang free agent signing sa NBA at agad na kumilos ang New York Knicks para patibayin pa ang lineup nito at makasabay sa nagpalakas na Brooklyn Nets.
Ayon sa source ng Yahoo! Sports, inaayos na ang napipintong paglipat ni Andrea Bargnani sa Knicks kapalit nina Marcus Camby, Steve Novak at ang first-round pick ng New York sa taong 2016.
Kapag natuloy ang kasunduan ay lalong lalakas ang frontcourt ng Knicks na kinabibilangan na ngayon nina Carmelo Anthony, Amare Stoudemire at Tyson Chandler. Nakuha rin ng Knicks sa katatapos na Draft si Tim Hardaway Jr.
Ang karibal nilang team sa New York na Nets ay nauna nang nagbalasa ng kanilang lineup. Nakatakda nang maglaro sa Brooklyn ang mga superstars ng Boston Celtics na sina Paul Pierce, Jason Terry at Kevin Garnett, kasama sina Deron Williams, Joe Johnson at Brook Lopez.
Mukhang tuluy-tuloy din ang ang pag-rebuild ng Celtics. Matapos ipamigay sina Pierce, Terry at Garnett sa Nets at lumipat si coach Doc Rivers sa Los Angeles Clippers ay kinakausap ngayon ng Celtics ang pamunuan ng Dallas Mavericks para sa isang trade na kinabibilangan ng All-Star point guard ng Boston na si Rajon Rondo.
Bukod kay Rondo ay interesado rin ang Mavericks kay Dwight Howard na isa nang free agent. Hindi pa malaman kung mananatili si Howard sa Los Angeles Lakers o lilipat siya ng koponan. Ilan sa mga nais na makuha ang kanyang serbisyo bukod sa Dallas ay ang Golden State Warriors, Atlanta Hawks at Houston Rockets.
Ipinamigay ng Rockets si Thomas Robinson, ang fifth overall pick ng 2012 Draft, sa Portland Trail Blazers para magkaroon ng puwang sa kanilang salary cap sakaling makuha nila si Howard. Nagdesisyon din ang koponan na i-waive sina Carlos Delfino at Aaron Brooks.
Bukod kay Howard, ang isa pang high-profile free agent sa season na ito ay si All-Star point guard Chris Paul. Gayunman, sinabi na ni Paul na mananatili siya sa Clippers. Narito ang iba pang free agent ng liga. Atlanta Hawks: Devin Harris; Kyle Korver; Josh Smith; Jeff Teague Brooklyn Nets: Andray Blatche; C.J. Watson; Keith Bogans; Jerry Stackhouse Charlotte Bobcats: Josh McRoberts; Byron Mullens; Gerald Henderson Chicago Bulls: Marco Belinelli; Nate Robinson; Daequan Cook; Nazr Mohammed Cleveland Cavaliers: Omri Casspi; Daniel Gibson; Shaun Livingston; Marreese Speights
Dallas Mavericks: Rodrigue Beaubois; Elton Brand; Darren Collison; Mike James; Chris Kaman; O.J. Mayo Denver Nuggets: Corey Brewer; Andre Iguodala; Timofey Mozgov Detroit Pistons: Will Bynum; Jose Calderon; Corey Maggette; Jason Maxiell Golden State Warriors: Jarrett Jack, Carl Landry Indiana Pacers: D.J. Augustin; David West; Sam Young
Los Angeles Clippers: Matt Barnes; Chauncey Billups; Lamar Odom; Chris Paul Los Angeles Lakers: Earl Clark; Dwight Howard; Antawn Jamison; Robert Sacre; Devin Ebanks; Darius Morris Memphis Grizzlies: Tony Allen; Keyon Dooling; Austin Daye; Jon Leuer Miami Heat: Chris Andersen; Juwan Howard Milwaukee Bucks: Samuel Dalembert; Marquis Daniels; Mike Dunleavy; Monta Ellis; Brandon Jennings; Joel Przybilla; J.J. Redick
Minnesota Timberwolves: Chase Budinger; Nikola Pekovic; Andrei Kirilenko New Orleans Pelicans: Al-Farouq Aminu; Lou Amundson; Xavier Henry; Roger Mason New York Knicks: Kenyon Martin; Pablo Prigioni; Quentin Richardson; J.R. Smith Oklahoma City Thunder: Ronnie Brewer; Derek Fisher; Kevin Martin Orlando Magic: DeQuan Jones; Beno Udrih
Philadelphia 76ers: Andrew Bynum; Damien Wilkins; Dorell Wright; Nick Young Phoenix Suns: Wesley Johnson; Jermaine O’Neal; Diante Garrett Portland Trail Blazers: Luke Babbitt; J.J. Hickson; Eric Maynor Sacramento Kings: Cole Aldrich; Tyreke Evans; James Johnson San Antonio Spurs: DeJuan Blair; Manu Ginobili; Tracy McGrady; Gary Neal; Tiago Splitter
Toronto Raptors: Alan Anderson; Mickael Pietrus; Sebastian Telfair Utah Jazz: DeMarre Carroll; Randy Foye; Al Jefferson; Paul Millsap; Jamaal Tinsley; Earl Watson; Mo Williams Washington Wizards: Leandro Barbosa; Jason Collins; Cartier Martin; A.J. Price; Martell Webster; Garrett Temple