CARDINALS nakalusot sa double OT


Mga Laro sa Huwebes
(The Arena)
4 p.m. St. Benilde vs EAC
6 p.m. San Beda vs
Arellano

NAGHATID ng walong puntos sa ikalawang overtime si Mark Brana para makumpleto ng Mapua ang pagbangon mula sa 20 puntos pagkakalubog tungo sa 104-99 double overtime panalo sa San Sebastian sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 15 puntos si Brana sa laro at ang kanyang layup ang nakatulong para iangat ang Cardinals sa 102-94 bago nagpakawala ng limang sunod na puntos si Raffy Gusi at idikit uli ang Stags sa tatlo.

Nagkaroon ng pagkakataon pa ang Stags na maitabla ang laro sa isang tres matapos ang sablay na dalawang free throws ni Darrel Magsigay pero kinapos ang binitiwang attempt ni Gusi habang si Joseph Eriobu ay nagtala ng dalawang free throws para selyuhan ang final score.

Si Eriobu ay mayroong 30 puntos at 11 rebounds habang double-double rin ang ibinigay na numero nina Kenneth Ighalo (21 puntos at 16 rebounds) at Jessie Saitanan (15 puntos at 17 rebounds) upang katampukan ang paghatid kay PBA Legend at Cardinals first year coach Fortunato “Atoy” Co ng unang panalo.

“I’m so happy, really, double overtime pa wow!” wika ng masayang-masaya na si Co. “I always reminded them to focus, focus, focus. As long as alam namin ang sistema, we should not be afraid.”

Gumawa ng tig-24 puntos sina Jovit dela Cruz at Jaymar Perez habang 17 at 14 ang ibinigay pa nina Leo De Vera at John Ortuoste para sa Stags na kampante nang umabante sa 57-37 sa huling 5:45 ng ikatlong yugto.

Read more...