Kalat na: Duterte matutulad din daw kay Erap

Time OUT muna saglit from the otherwise drab showbiz stuff.

May posibleng political scenario na nasisilip ang maraming analysts given the recent turn of events. Looks like it’s a history-repeats-itself occurrence in terms of succession of power.

Of course, sariwa pa sa alaala ng marami when then-President Erap Estrada was ousted.
Infamous noon ang umano’y ginamit niyang “Jose Velarde” in concealing his identity—as alleged by a lady bank executive-whistle blower—sa kanyang mga transactions.

Dawit si Erap sa illegal gambling whose stern line of defense then ay wala naman siyang ninakaw na pera mula sa kabang-yaman ng gobyerno. Add to this ay ang isinisigaw na economic crisis ng taumbayan dulot ng Erap administration.

Now, how do we connect this to the current political landscape?

Duda ng marami ay mukhang ganito ang nais ding mangyari ng mga anti-Duterte, ang ibagsak ang liderato ng Pangulo bunga ng mapagpahirap na TRAIN Law which—let’s face it—is causing inflation.

Hindi nga ba’t sa bibig na rin mismo ni Digong na wala siyang bilib kay Vice President Leni Robredo kung sakaling ito ang susunod na mamumuno ng bansa because of sheer incompetence?

Ito raw ang agenda ng mga tinaguriang Dilawan. Uulitin umano nilang maganap ang kasaysayan na sinapit ni Erap whose eventual ouster installed then-VP GMA to power.

Sa susunod na taon pa ang mid-term elections, hindi kasama rito ang pampanguluhan at pangalawang pampanguluhan. But this early, every political creature is gearing up for it.

History rewritten?

Read more...