SINABI ni Sen. Nancy Binay na nais niyang isama si Communications Undersecretary Mocha Uson sa mga iimbitahan kaugnay ng pagdinig ng Senado sa isinusulong na charter change para pagpaliwanagin kung paano isusulong ang federalism sa bansa.
Idinagdag ni Binay na irerekomenda niya kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, chair ng Senate committee on constitutional amendments para padaluhin si Uson sa susunod na pagdinig kaugnay ng chacha.
“In light of the plan of DILG and the Consultative Committee to have Asec Mocha Uson as the lead evangelist of the Federalism Caravan, siguro mas maganda kung mai-invite ni Sen. Kiko si Asec Mocha as one of the resource persons sa kanyang committee para mag-present sa Senado,” sabi ni Binay.
Nauna nang sinabi ng Consultative Committee (Con-com) na plano nilang kunin si Uson para sa pagsusulong ng federalism.
“Being the designated messenger, we also wanted to hear how she would articulate or interpret the salient points of the proposed federal charter and explain to the people how a shift in the form of government could move the country forward. Dagdag na rin ang kanyang iba pang concept or idea sa information campaign using social media,” dagdag ni Binay.
“How the messenger relays the message is important. Clarity and knowledge about the subject are equally important elements. It is also a matter of providing the people of options, or an informed choice for them to genuinely know what’s good and bad about changing the form of government,” ayon pa kay Binay.