2018 Miss Universe rarampa sa Thailand; Catriona Gray excited nang makipaglaban

KUMPIRMADONG sa Bangkok, Thailand na gaganapin ang Miss Universe 2018. Inanunsyo ng Miss Universe Organization sa isang presscon na ang Thailand ang magsisilbing host country para sa nasabing pageant na gaganapin sa Dec. 16, 2018.

Sa Impact Arena sa Bangkok isasagawa ang grand coronation night, base na rin sa Instagram account ng Sash Factor. Ito ang ikatlong pagkakataon na gaganapin ang Miss U sa Thailand, una noong 1992 at noong 2005.

Sa Instagram account ng ating pambato sa Miss U this year na si Catriona Gray, sinabi niyang excited na siya sa pagrampa bilang representative ng Pilipinas, “Sawasdee Ka Thailand!!! Soooo excited that the rumors are true and that it’s finally official!!! @missuniverse to be held in Thailand, December 2018. So excited to go back to one of my favorite travel destinations!”

Read more...