Ate Guy masama ang loob kay Lotlot, naetsapwera sa ika-2 kasal ng anak

DO we smell a mother-and-daughter spat sort of thing in the air?

Sa nakaraang presscon ng bagong teleserye ni Ate Guy, she dodged a reporter’s question tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi sa pagpapakasal ni Lotlot de Leon to her Lebanese boyfriend.

Politely, Ate Guy begged off. Aniya, “Puwede bang iba na lang ang pag-usapan natin?” na siyempre’y iginalang naman ng nagtanong.

Inevitably, hindi maiiwasang hingan ng reaksiyon si Ate Guy for a lot of reasons.

Wala man kaming program info ng kanyang GMA teleserye, obviously sa pamagat pa lang nito’y umiikot ang kuwento tungkol sa isang ina. And she’s a mother herself.

Lotlot’s getting hitched is also a current issue, hindi man siya bahagi ng teleserye. Hence, all this makes for an interesting topic para paingayin ang proyekto ni Ate Guy without the hardsell type of publicity.

The fact na evasive ang Superstar sa paksa is a one-plus-one-equals-two situation. Without laying down the facts, halatang there’s a mother-and-daughter rift.

Maaaring sumama ang loob ni Nora Aunor dahil the last to know siya sa mga kaganapan within her very territory. Sa madaling salita, naetsapuwera ang dapat sana’y may malaking papel sa araw ng kasal next to the bride.

But it takes a bit of memory-refreshing para hindi naman pagmukhaing walang kuwentang anak si Lotlot who Nora has treated as her own.

Kung matatandaan, nary a Nora’s shadow appeared sa araw din ng kasal noon ni Lotlot kay Ramon Christopher. Ang balae niyang si Pilita Corrales couldn’t afford to miss her son’s wedding.

It’s a history-repeats-itself scenario. Strike 2 na.

Pero ito ang senaryong hindi angkop ang kapaniwalaang “It comes in threes.” Puwede pa ‘yung three is a crowd. With Nora, Lotlot and her husband-to-be all together ay sisikip lang kanilang mundo pare-pareho.

Read more...