Direktor may mga ginagawang ‘milagro’ habang nasa shooting

AWARE kaya ang mga producer ng mga pelikulang pinamamahalaan ng isang kilalang direktor na may ginagawa itong milagro sa set bago at habang nagsu-shooting?

Hindi na namin babanggitin kung ano ang “bisyo” ng direktor pero ito’y karaniwang ginagawa ng mga taong kailangang gising ang diwa para magawa nila ng maganda ang kanilang mga trabaho.

Alam daw ito ng mga artistang nakatrabaho na ni direk at dedma na lang sila, ang iba nga raw ay nakiki-jamming pa sa kanya habang nasa set.

Ang masama lang kay direk kapag nag-trip, madaling magalit. Minsan nga raw ay hindi na nito maalala kung saan nailagay ang gamit na megaphone hanggang sa iinit na ang ulo niya at pagagalitan ang lahat ng staff sa set. Ang ending naitago pala niya sa ilalim ng kanyang unan nu’ng nag-power nap siya.

Kumusta naman ang resulta ng mga pelikulang nagawa Direk, “E, di hayun, kitang-kita ang resulta, nakakahilo rin at parang ligaw ang eksena,” sabi ng aming source.

In fairness maraming projects si direk at napabilang pa siya sa malaking movie outfit, “E, kasi tropa-tropa sila roon,” sambit sa amin.

Naku, sana itong next movie ni Direk na ipalalabas na, e, matino naman dahil sayang ang talento ng mga artistang kasama sa pelikula na pawang mga premyado kung hindi ito maganda at kapag hindi kumita.

Sa pagkakatanda namin ay parang wala pang box-office hit si Direk. Sabi nga ng mga taga-showbiz, “mala-mala” ang mga pelikula niya, na ang ibig sabihin ay, malamang kumita-malamang hindi.

Read more...