SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bukas ang Malacanang sa planong pagkuha kay Communications Undersecretary Mocha Uson para isulong ang federalism sa bansa.
“Anyone is welcome to disseminate. Of course, we seek to come up with standardized dissemination materials so that no one will deviate from the messaging. So, we’re developing materials for disseminators, and we are formulating a module to train first the trainors,” sabi ni Roque sa isang briefing.
Nauna nang sinabi ng Consultative Committee na nais nitong kunin si Uson para ipaliwanag sa publiko ang charter change partikular ang isinusulong na federalism ng gobyerno.
Iginiit naman ni Roque na wala pang pinal na plano dahil nakatakdang magtapos ang termino ng Consultative Committee sa Agosto 6.
“Because of the limited life of the Consultative Committee which expires this August 6, if I’m not mistaken, the initiative is now being led by DILG and PCOO and my office in so far as I will be part of the dissemination team. But it’s DILG that is the lead agency in this regard,” ayon pa kay Roque.
Isinusulong ng Malacanang federalism sa bansa, bagamat batay sa pinakahuling survey, kontra rito ang mas maraming Pinoy.