“Now, since Ben said, hindi na sila magbabalik, so be it. Ang huling deklarasyon po ng Presidente diyan – and I asked him explicitly – is we will let the legal process proceed. Let the legal process proceed, let those liable be held responsible,” sabi ni Roque sa isang press briefing.
Ito’y matapos naman ang pagmamatigas ni Tulfo na hindi niya ibabalik ang P60 milyon.
Idinagdag ni Roque na dapat ding imbestigahan ang ulat na may kumita sa naging transaksyon sa pagitan ng DOT at ng mga Tulfo.
“Dapat po lahat iyong binigyan ng cut, napasama sa demanda. Sino ba ho iyan? Sino? Well kung sino po lahat iyan, ilabas lang po ang pangalan, I’m sure dapat po maimbestigahan sila,” ayon pa kay Roque.
Sa isang Facebook post, i-giniit ni Tulfo na pinaghirapan ng kanyang kumpanya ang pera.
Hinamon pa niya ang kanyang mga kritiko na patunayan ang mga sinasabing iregularidad sa pag-ere ng mga advertisement ng DOT.
Nangako naman si Sen. Antonio Trillanes IV na maghahain ng kasong plunder laban sa mga Tulfo.