Sinabi ni House Deputy Speaker Rolando Andaya, Jr. na nakapaloob sa budget message ni Pa-ngulong Duterte ang pagkuha ng 10,000 bagong guro. May budget itong P2.21 bilyon at kasama sa P529 bilyong budget ng Department of Education.
Ipinag-utos ni Duterte na punan ang 105,529 bakanteng posisyon sa DepEd na pinondohan ng P27.6 bilyon.
“By 2022, it is safe to bet that DepEd will be a million-man agency,” ani Andaya na nagsabing 951,000 na ang magiging workforce ng DepEd kapag nakompleto ang mga papasok sa ahensya. “E-very time there is a net increase of 40 enrollees in the public school system, we have to hire one teacher and build one classroom.”
Dahil ang target ng DepEd ay ibaba sa 25 estudyante ang laman ng isang klasrum nanga-ngahulugan na mas maraming guro ang kailangan.
Nais din ni Duterte ang pagkuha ng 10,000 bagong pulis, 2,000 bagong jail officer at 3,000 bagong fire officer. Gagastos ang gobyerno ng halos P3 bilyon para sa sahod ng mga ito sa 2019.
Kung isasama umano ang mga nurse at doktor na kukunin ng Department of Health at engineer at technician ng Department of Public Works and Highways ay aabot sa 150,000 ang posisyon na pupunan ng gobyerno sa 2019.