Ito ang patutsada ng mamamahayag at kapatid ni da-ting Tourism Secretary Wanda Teo na si Ben Tulfo sa mga humihimok sa kanya na ibalik ang P60 milyong advertising contract na ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa kanyang media company na Bitag Media Unlimited Inc.
Sa isang Facebook post, i-giniit ni Tulfo na pinaghirapan ng kanyang kumpanya ang pera.
Hinamon pa niya ang kanyang mga kritiko na patunayan ang mga sinasabing iregularidad sa pag-ere ng mga advertisement ng DOT.
Giit ni Tulfo, hawak niya ang mga dokumento na magpapatunay sa legalidad ng kontrata.
Dagdag pa nito, mayroon silang pinirmahang lehitimong advertising contract ng PTV-4 para sa kanyang programang “Kilos Pronto.”
Hamon pa niya, sampahan na lamang siya at kanyang kumpanya ng kaso sa Office of the Ombudsman.
P60M di ibabalik ni Ben Tulfo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...