“THIS year, sana ngayong taon na po!” Ito ang diretsong sinabi ng Pambansang Bae na si Alden Richards nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang lovelife.
Feeling ni Alden, ito na ‘yung tamang panahon para magkaroon na siya ng girlfriend. Sa edad na 26, nararamdaman ng binata na ready na siyang pumasok sa isang seryoso at pangmatagalang relasyon.
Kahit na raw kaliwa’t kanan pa rin ang kanyang trabaho, naniniwala siya na makakahanap pa rin siya ng panahon para sa babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Bukod kasi sa Eat Bulaga at Sunday PinaSaya, mas magiging busy na rin siya ngayon dahil sa bago niyang primetime series na Victor Magtanggol.
“Para maiba naman po. Kailangan na siguro bigyan ng time. This year po, sana ngayon na po,” pahayag ni Alden nang makachika ng ilang members ng entertainment press sa mediacon ng Victor Magtanggol.
Sa ngayon, wala pa raw siyang idine-date pero wala raw kaso sa kanya kung taga-showbiz o hindi ang maging girlfriend niya, “I never really closed my doors when it comes to being romantically involved with my co-stars. I am also not closing my doors to be romantically involved with someone outside showbiz.”
Hirit pa ng binata, hindi raw siya magpapaapekto sakaling ma-bash na naman siya sakaling hindi gusto ng mga tao ang mapipili niyang babae, “Tuluy-tuloy po ang buhay. Regardless po kung anong sabihin ng tao. Kasi siyempre, buhay mo naman ito. Tayo po ang may desisyon kung anong gustong gawin sa buhay natin.”
Wish din ni Alden, sana raw ay hindi na malamig ang kanyang Pasko ngayong taon.
q q q
After ng engrandeng launch nito last Monday, hindi na nga makapaghintay ang fans ng buong cast ng Victor Magtanggol sa pagsisimula nito ngayong gabi, Hulyo 30. Balita namin, pasabog kung pasabog ang hatid ni Alden at ng mga kasamahan niya sa serye.
Intriguing din para sa manonood kung paano nga ba makukuha ni Alden ang kanyang super powers bilang si Hammerman. Nga-yon pa lang ay kanya-kanya nang post sa social media ang mga supporters ni Alden tungkol sa VM.
Sabi naman ni Alden, “Sana po tangkilikin nila dahil isa po ito sa maipagmamalaki kong project ngayong taon. Hindi po talaga sa pagbubuhat ng bangko ng Victor Magtanggol, pero nahigitan pa po ang expectation ko when it comes to effect. Nagulat po ako na kaya na pala ng mga Pinoy na makapag-produce ng ganitong klaseng effects.
Isa sa mga pinaghandaan talaga ni Alden sa pagganap na superhero ay ang kanyang katawan, “Mahirap po kasi ‘yan. Kasi kailangan bilang superhero, physically fit ka, eh. So I really challenged myself na gawin lahat ng stunts na hindi nagpapa-double. ‘Yun po, physical fitness.”
Kuwento naman ng binata sa panayam ng Tonight With Arnold Clavio, pangarap talaga niya ang gumanap na superhero noon pa, “Dream ko talaga kahit nu’ng bata pa ako. Kasi lahat naman siguro tayo bilang artista, bilang mga aktor, especially ‘yung mga younger (stars), ‘yung mga bata, nangarap ‘yan maging superhero minsan sa buhay nila. So, ito po, nabigyan ako ng pagkakataon ng GMA na maging superhero. Masaya kasi parang ang nilu-look forward ko rin dito is ‘yung reaksiyon ng mga bata.”
Samantala, sa interview pa rin ng TWAC, nagbigay naman ng payo si Marian Rivera kay Alden sa pagganap niya bilang superhero. Si Marian ang huling gumanap na Darna sa TV ilang taon na ang nakararaan at kamakailan lang ay bumida rin siya sa fantasy series na Super Ma’am.
“The mere fact na ibinigay sa ‘yo ang title role, ibig sabihin hindi mo sila dapat biguin. So, just be yourself. Gawin mo lang. Kasi alam naman natin kapag trabaho, kinakarir talaga ni Alden, and knowing Alden, nakatrabaho ko siya, 100% magtrabaho ‘yan.”
Makakasama rin sa Victor Magtanggol sina John Estrada, Coney Reyes, Freddie Webb, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Andrea Torres, Janine Gutierrez, Dion Ignacio, Miguel Faustman, Conan Stevens, Al Tantay, Chynna Ortaleza, Lindsay de Vera, Reese Tuazon, Yuan Francisco, Eric Quizon at Maritoni Fernandez.
Ito’y sa direksyon ni Dominiz Zapata.