SA unang pagkakataon ay makakasama si Ogie Alcasid sa 2018 Cinemalaya Film Festival sa pamamagitan ng pelikulang “Kuya Wes” sa direksyon ni James Robin Mayo.
Nu’ng i-pitch sa kanya ang proyekto at nabasa ang script ay nagustuhan daw niya agad ang kuwento kaya agad niya itong tinanggap.
Kuwento ni Ogie, “Na-receive ko ‘yung e-mail regarding the script maybe around last year, it was written by Denise O’Hara. I like reading scripts, I really like reading scripts.
Admittedly there are scripts na masasabing, ‘hindi na puwede sa akin (ang role) ‘to’
“But when I read this one (Kuya Wes), hindi ko mabitawan, tawa ako nang tawa and at the same time naiiyak ako inside. And then nu’ng nabasa ko ‘yung en-ding, sabi ko, ‘Wow, iba ‘to sa lahat nang nabasa ko. So, I replied to my manager Leo Dominguez sabi ko, ‘I love the script. Sinong sira-ulong gumawa nito, ang ganda-ganda nito.’
“So, I’ve met with them, I met with James and the wri-ter si Denise. Sabi ko, ‘okay na, kahit hindi ninyo ako bayaran gagawin ko na ‘to.’ Sabi ko pa, ‘o, mag-shooting na tayo kasi pasok na sa Cinemalaya, eh.
“Pero wala raw silang pera (tawanan ang bloggers). Sabi ko, ‘ha? Paano natin isu-shooting ito?’ I mean of course, Cinemalaya gives (budget), I guess the scope of what they wanted it wasn’t enough to fulfill their vision for the film. Sabi ko, ‘sige maghahanap tayo ng pera, magnanakaw tayo.”
May mga kaibigang ki-nausap si Ogie tungkol sa pelikula na literal niyang i-binebenta para pondohan ito, “I was trying to sell the film, whenever they hear Cinemalaya, sabi nila,
‘Ahh, Cinemalaya ba ‘yan gusto namin mainstream (sana).’ Ganu’n lagi ang reaksyon,” kuwento ni Ogie.
Alam naman kasi ng lahat na kapag napasama sa Cinemalaya ang pelikula ay limitado ang araw ng pagpapalabas nito maliban na lang kung naging box-office hit at puwede itong ma-extend at maipalabas sa maraming sinehan (commercial run).
Pagpapatuloy ni Ogie, “One time, nasa Toronto (Canada) po kami nag-ASAP. Kasama ko ang buong ASAP. Tapos kami ni Piolo Pascual umiihi kami nu’n (tawanan uli lahat), we were fresh from our concert and we’re celebrating, and he was celebratory also because that time ‘yung ‘Kita Kita’ was just doing so well.
“Kaya sabi ko, ‘PJ meron kasi akong nabasang script, baka gusto mong i-produce, kahit huwag mo na akong bayaran, gawin ko lang.’ Tapos sabi niya, ‘Sige kuya kung okay sa ‘yo babasahin ko.’ Wala na akong na-rinig sa kanya.
“Until about three or four months nakita ko si Erickson (Raymundo,Spring Films President) sa ASAP tapos sabi niya, ‘Hey we are doing your film.’ Sabi ko, ‘talaga!?’
“Tapos kinausap ko si Piolo, sabi ko, ‘kinausap ako ni Erickson, sabi niya, ‘Oo, pero hati tayo! Sabi ko, ‘ha? Hati tayo?’
“Kaya kinausap ko ‘yung asawa ko (Regine Velasquez), sabi ko, ‘Hon, sabi ni PJ hati tayo. So, paano hindi matutuloy ‘yun kung hindi tayo kasama. Sabi niya, ‘sige na kailan mo pa
gagawin ‘yan?’
“Sabi ko, ‘kaso may concert ako this year (2018), it’s also my 30th year anniversary paano ko mapapagsabay-sabay ‘yan may mga TV show pa ako.
“So, nagdasal kami pareho and then finally, I met with them kasama si Joyce (Bernal). Nu’ng sinabi sa akin ni Joyce, ‘alam mo maganda itong materyal na ito pero kailangang paghandaan mo.’
“Marami siyang sinabi sa akin, parang hindi siya kumbinsidong kaya ko. Ha-hahaha! Alam mo ‘yung mag-i-invest na nga ako tapos natatakot pa ako kung kaya ko ‘yung role. Kaya (naisip ko), bakit ba ganu’n, kaila-ngan ko ba ‘tong pressure na ‘to?
“I never imagine doing myself and independent film because, siyempre this is actually my 38th film, 36 of them were bad. Ha-hahaha! The other one was good which is ‘I Do Bidoo Bidoo’ which didn’t make so much money.
“This is actually my first good film, I think because I’m middle-aged actor and it’s very rare mabigyan ng chance na mag-starring role. That’s the reason why I want to do this film not for anything else but because I just fell in love with the story. I fell in love with e-verybody else involved in the movie.”
Maraming makaka-relate sa kuwento ni Kuya Wes na nagtatrabaho sa isang remittance center na palabati sa lahat ng taong pumupunta, masayahin sa kabila ng problemang hindi siya masyadong napapansin ng sariling pamilya. At ang tanging nakakapagpasaya lang sa kanya ay ang regular costumer niyang si Erika na ginampanan ni Ina Raymundo.
Kasama rin sa movie sina Moi Marcampo, Karen Gaerlan at Alex Medina.
Soldout na ang tickets para sa Gala night ng “Kuya Wes” mula sa Spring Films, A-Team (Ogie Alcasid production) at Awkward Penguin. Mapapanood ang pelikula simula Agosto 4 sa CCP at sa ilang Ayala cinemas.