Sharon sa bashers: Mga luku-luko pala kayo e, lahat tayo may past!
MULING pinatulan ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang bashers matapos mag-post ng mga photos nila ng dating ka-loveteam at nakarelasyon, pati na ng mga pag-aari niyang hindi kayang mabili ng mga ordinaryong manggagawa.
Pero bago pa nga siya batuhin ng mga masasakit na salita pinangunahan na niya ang mga haters, “Nakikinikinita na namin ang bashers eh! Eto lang: ‘WALA NA SIYANG PERA!’ Or: ‘ANG YABANG NIYA!’
“This is what I think: Envy can kill. Please envy me! Hatred releases deadly toxins in the body. PLEASE HATE ME, haters!
“Di ko kayo binabash kasi…Hu u?! Me, I…ME! And I feel so sad for you guys cos hating’s all you know how to do. While I’m UP here, happy and BUSY and by God’s grace, successful AGAIN! I am so sorry to disappoint you. Ganito na lang: Pag may natulungan kayong ilang tao lang sa kahit maliit na bagay, BASH NYO AKO ha!
“Pero pag wala, eh wala kayong ‘K.’ Work muna kaya kayo para makatulong din. God bless you! Cos He is fantastic and has kept on blessing me and my family, friends, fans so much,” litanya ni Mega.
Sa isa pang IG post ni Sharon muli niyang sinupalpal ang mga nang-okray sa kanya, “Haters, pag lahat kayo nag-throwback okay lang, pero pag ako ‘Living in the past?’ Mga luko-luko pala kayo lahat tayo may past, di ibig sabihin magka-amnesia na tayo dapat lahat!
“At ang mag-reminisce ay iba sa di makamove on kaya nga naimbento ang word na yun. Maryosep. Fans kasi ng iba. Ayaw maparis ang lalaki sa iba tulad ko! Simple! Poor you!
“AND HERE’s NEWS FOR YOU! If and when, for example, I write my autobiography, do these haters REALLY think I will care one iota about what they think or say?!!! I and my fans will be happy and have a ball!
“Hahahaha! Judgemental kayo wala naman kayong alam sa buhay ko. Bitin pa nga yan. Prepare yourselves kasi baka atakihin kayo sa pagkanega niyong mga walang buhay. Sige hala… ako sa maganda at malamig pupunta!!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.