Govt exec guilty sa nepotism; sweldo ng kapatid aabot sa P48K

DA who ang isang government executive na bukod sa dapat kasuhan ng nepotism ay sobra-sobra pa ang pinapasweldo sa kapatid kung saan aabot sa P48,000 ang monthly salary ng kapamilya sa kabila na rank-and-file lamang ang katumbas ng posisyon nito?

Usap-usapan ang opisyal na bukod sa tila manhid na kahit pa siya lagi ang pinag-uusapan ay tuloy ang ligaya niya at ng kapatid habang pinakikinabangan ang pondo ng bayan.

Mas matanda ang kapatid sa opisyal pero tila walang pinagkatandaan dahil tinotolerate ang lahat ng ginagawa ng kanyang kadugo na sinasamantala ang opurtunidad na siya ay nasa pwesto.

Maliwanag na nepotism ang pinaiiral ng opisyal dahil sa ilalim ng polisiya ng gobyerno, maaaring lamang kunin ang isang kadugo bilang isang personal assistant o close in o kahalintulad na posisyon.

Sa kaso ng government official, ipinuwesto niya ang kanyang kapatid sa mismong unit na kanyang kinabibilangan.

Ang item ng kanyang kapatid ay katumbas lamang ng nasa minimum na sweldo pero ang ibinigay na buwanang kita sa kanya ay P48,000.

Bukod pa rito, laging ang kapatid ang isinasama sa mga biyahe at kadalasan ay mga advance party pa ang peg.

Balitang-balita na kapag advance party, ang hinihinging budget ng opisyal ay P100,000 kada tao.

Hindi kataka-taka na kinukuwestiyon na ng Commission on Audit (COA) ang luho ng mga opisyal na kinabibilangan ng nasabing government executive.

Tiyak na alam ng kapatid na bawal kung tutuusin ang ginagawa ng kanyang nakakabatang kapatid pero pinapayagan niya ito dahil nakikinabang din.

Balita pa ay nag-iipon na ang opisyal sakaling nga na mawala na sa katungkulan.

Dahil takot na malaman na kapatid niya ang empleyadong binabanggit, hindi niya ito binibigyan ng trabaho.

Minsang may ginawang kapalpakan ang kapatid at inireklamo pero imbes na sibakin agad gaya ng ginagawa sa ibang sumasablay sa trabaho, hindi inamin ng opisyal na kadugo niya ang nirereklamo at tanging pasensiya lang ang narinig dito.

Clue, napaka kontrobersiyal ngayon ng departamentong kinabibilangan ng opisyal dahil sa isyu ng umano’y katiwalian pero nananahimik ang mismong pinuno ng ahensiya.

Galit si Digong sa katiwalian pero bakit hindi takot ang mga nasa ahensiya na ito sa paggawa ng iligal?

Baguhan lang ba sa paggawa ng katiwalian ang mga opisyal ng ahensiyang ito kaya nabubuko o talagang garapal lang na kahit bistado na ay tuloy pa rin ang paglustay sa pondo ng bayan?

Read more...