Jericho payag makatambal muli si Kristine: Nakakatuwa, gusto pa rin kami ng mga tao!

KRISTINE HERMOSA AT JERICHO ROSALES

AKMANG-AKMA kay Jericho Rosales ang titulo niya bilang Asian Drama King.

Sikat pa rin kasi si Jericho ngayon sa iba’t ibang Asian countries lalo na sa Malaysia dahil sa mga dati niyang TV series na ipinalalabas doon. Kaya walang kaduda-duda na pambenta talaga si Echo ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Ang sarap naman ng feeling ni Echo kapag naririnig niya ang mga ganitong statememts lalo na kung galing pa sa mga ehekutibo ng network.

“You know why (happy ang feelng)? Projects that, you know, iba syempre ‘yung feeling na global ‘yung project. Number two, I have the opportunity to work with non-Filipino actors and production, ‘di ba? I get to sing pa,” lahad ng aktor sa presscon ng bago niyang primetime serye na Halik.

Tahasang sinabi ni Echo na dream niya talaga ang maging international star. In fact, gusto pa niyang umalis ng bansa para subukan ang swerte niya sa international scene.

“Ngayong panahon na ‘to hindi mo na kailangang umalis. Dito lang, mag-produce ka ng ground-breaking projects,” aniya.

Sikat pa rin sa Malaysia si Jericho dahil sa teleserye nila ni Kristine Hermosa na Pangako Sa ‘Yo. Bagaman nag-lie-low si Kristine for a long period of time, balik-serye na rin siya bling suporta sa Bagani.

“Masaya ako kasi alam ko na ayaw na niyang umarte, e. So, I think she’s having fun now. Alam ko si Kristine very focus ‘yan sa family niya, and that’s a great thing,” sabi ng mister ni Kim Jones.

Tinanong namin siya kung posible ba na magtambal ulit sila ni Kristine sa isang proyekto. Okey naman daw sa kanya. In fact, nagbiro pa siya na kung gusto pa raw ng management ay mag-guest siya sa Bagani.

“Unbelievable ‘no? Hanggang ngayon maraming may gusto. E, why not?” aniya pa.

Incidentally, ipalalabas na ang Halik kasunod ng Bagani simula sa Agosto 13 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Samantala, hanga kami sa kabutihan at ‘di nagbagong pakikisama ni Echo sa entertainment press ma nakilala niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Kahit gutom na at may kasunod pang commitment, nilapitan pa rin niya kami with some other members of the press including one of his former publicist na si Leo Bukas for a group interview.

At ang nakakatuwa pa kay Echo, hindi niya nakalimutan ang pangalan ng mga manunulat na matagal na niyang kilala. Hindi gaya ng ibang artista na kapag hinila na ng mga handler, parang takot na takot at walang magawa kundi sumunod. At deadma na sa mga nag-aabang na mga manunulat after ng presscon.

Going back to Halik, first time nilang magkakasama ni Sam Milby sa isang proyekto. Tulad ni Jericho, Sam is also considered as one of the finest actors among Kapamilya male stars.
Sabi ni Echo marami raw silang kabugan sa aktingan ni Sam sa Halik.

Read more...