Echo sa love scene: Mahirap…maraming tao, mainit, madumi!

ADULT ang theme ng bagong teleserye ni Jericho Rosales na Halik.

He admitted na may mga kissing scenes sa nasabing serye. Echo articulated na hindi naman madali ang pagagawa ng love scenes.

“I think nakakalimutan natin na ito ‘yung pinakamahirap gawin sa pelikula, sa TV.
Nakakalimutan natin na may camera men, may staff, may audiomen, may continuity director, may assistant director. It’s hot, mainit, madumi. It takes a lot to prepare for (a love scene).

I respect my directors for mounting scenes like these na hindi lalabas na cheap, hindi lalabas na pangit, hindi lalabas na out of context.

“The hardest love scene na magagawa mo is ‘yung wala sa lugar. That is most difficult because when you want to make love with someone kailangan ma-excite muna ito, eh (motioning his head). So, if you actually have something in your head, na parang ‘uy, ito ang konteksto ng pagmamahalan namin,’ then it would be easy. Sa amin ni Yam (Concepcion), we didn’t have a problem.

“Sa Bartolome’s house (surname ng pamilya niya sa Halik) ang init-init doon, may alikabok, minsan may anay so, halo-halo na ‘yung nasa balat namin.

“Kapag nag-kissing scene kami, kailangan maganda ‘yung reaction na ipalabas mo, eh, ang lagkit-lagkit na naming dalawa,” paliwanag ni Echo.

Bukod kay Yam, magkakaroon din ng intimate scenes si Jericho sa isa pang female lead ng Halik, si Yen Santos na palaban din sa mga halikan at love scene sa serye.

Read more...