MAGANDANG hapon. Ako po si Sheila Florido Dural. Isa po akong OFW na nagtatrabaho sa Singapore. Alam naman natin ang buhay ng isang OFW na sapat lang ang kinikita para ipadala sa pamilya kaya po nagdesisyon kami ng sister ko na magtayo ng kahit na maliit na negosyo. Pero, sa ngayon ay wala pa kaming kapital o puhunan.
Ano po kaya ang maitutulong o maipapayo n’yo para makapagsumula kami ng kahit na maliit na business. Umaasa po kami na agad na sasagutin ng OWWa ang aking katanungan. Salamat po.
Sheila Florido Dural
REPLY: Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala sa OWWA.
Base sa iyong katanungan, Ms. Sheila, maaari kang mag-aplay sa enterprise loan development program o ELDP.
Ang loanable amount is from P100,000 to P2 million pero kinakailangang may collateral at ang Land Bank of the Philippines ang susuri ng mga dokumento at mag-aapruba ng iyong loan
Malaking tulong din ito para makapagsimula ng kahit na maliit na negosyo para makatulong din sa iyong
pamilya.
Sa mga interesado, maaari rin silang magtungo sa OWWA, humingi ng number sa guard sa NCRb pra maka-attend ng orientation na nagsisimula ng alas-2 ng hapon sa OWWA office.
Maaari ring tumawag sa 8917601 at magpa-conmect sa reintegration.
Maraming salamat at sana nakatulong kami para masagot ang inyong katanungan.
NCR OWWA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.