Kris kay Willie: Tunay siyang kaibigan, walang hininging favor nu’ng nasa position pa ang mommy at si Noy!

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

MAS maganda nang ganyan na lang ang namamagitan kina Willie Revillame at Kris Aquino, magkaibigang tunay, kesa sa magkaroon pa sila ng personal na relasyon.

Nagkakasundo silang dalawa dahil ayon na rin kay Kris ay pareho silang may paninindigan at prinsipyado, ipinaglalaban ang kanilang sarili sa tama, pero mabilis humingi ng paumanhin kapag sila naman ang may pagkukulang.

Papuri pa ni Kris kay Willie, “Tunay siyang kaibigan. Wala siyang hininging favor sa amin nu’ng nasa position pa ang mommy ko at si Noy, pero nandiyan pa rin siya. He’s really a friend.”

Malapit naman ang loob ni Willie sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby, lalo na sa kanyang panganay, naging close sila nu’ng pareho pa silang nasa ABS-CBN ni Kris.

Nu’ng dalawin ni Willie si Josh sa bahay ng mag-iina ay marami silang pinag-usapan ni Kris, puwedeng may kinalaman ‘yun sa kanilang career, puwede rin namang tungkol sa negosyo. Pareho silang may interes sa business.

Nu’ng hindi pa sikat na personalidad si Willie ay pagba-buy and sell ng mga sasakyan ang kanyang business, magaling ang sales talk ng aktor-TV host, kaya naging malaking tulong sa kanya ang ganu’ng linya.

Read more...