Catriona may napili na para gumanap sa kanyang life story: Gusto ko si Maymay!

SIGURADONG ikatutuwa ng milyun-milyong fans ni Maymay Entrata ang latest pronouncement ni 2018 Miss Universe-Philippines Catriona Gray.

Sa isang panayam kasi, natanong ang beauty queen kung sino sa mga youngstars ngayon ang gusto niyang gumanap sa kanyang karakter kung sakaling ilalahad sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang buhay.

“I’ll pick Maymay, she’s kind of a goofball, a little bit like me,” sagot ni Catriona na gandang-ganda sa PBB Lucky Season 7 Big Winner. Napaka-positive raw kasi ng aura ni Maymay at bilib na bilib din siya sa galing nitong mag-project sa harap ng camera.

Sinabi rin ni Catriona na willing siyang i-try ang acting pagkatapos ng Miss Universe pageant, pero meron din siyang nararamdamang takot, “I’m open to it. But I feel like, they’ll have a hard time getting me an on-screen partner. I feel like I’m way too tall for acting.”

Read more...