P300-M tulong-pangkabuhayan inilaan sa mga organisasyon ng OFW

MAAARING makatanggap ng tulong-pangkabuhayan ang mga organisasyon ng overseas Filipino worker (OFW)

Naglaan ang Department of Labor and Employment – Overseas Workers Welfare Administration ng P300 milyon para suportahan ang mga gawaing pangkabuhayan ng mga samahan ng OFW.

Ang programang Tulong Pangkabuhayan sa Pag-Unlad ng Samahang-OFWs, o Tulong PUSO ay naglalayong tulungan ang mga samahan ng OFW sa pagbubuo, pagpapalakas, o muling pagbuhay ng mga proyektong pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng raw materials, equipment, tools and jigs, at iba pang serbisyong pangkagalingan.

Ang tulong-pangkabuhayan ay isang beses lamang ipagkakaloob mula P250,000.00 hanggang P1,000,000 ayon sa pangangailangan ng negosyo at bilang ng miyembro ng organisasyon ng OFW na nagnanais makatanggap ng tulong.

Ang Tulong PUSO ay isa sa mekanismo ng DOLE-OWWA upang hikayatin ang mga samahan ng OFW na magtayo ng negosyo. Kasama ang mga katuwang na ahensiya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA), magsasagawa sila ng enterprise development training at iba pang social preparation intervention upang bigyan ang samahan ng OFW ng sapat na kaalaman at kakayahan upang tiyakin ang tagumpay ng kanilang piniling proyektong pangkabuhayan,

Maaaring magsumite ng kanilang project proposal, kasama ang mga kinakailangang dokumento ang mga samahan ng OFW na may akreditasyon sa DOLE, Cooperative Development Authority (CDA) o sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa alinmang 17 OWWA Regional Welfare Offices sa buong bansa, para sa pagsusuri.

Ang kinakailangang dokumento ay ang certificate of entrepreneurship development training (para sa start-up/formation), kopya ng DOLE/SEC/CDA registration, organizational profile na may individual personal information, business permit na inisyu ng lokal na pamahalaan, business project (kung saan nakasaad o nagpapakita ng kakayahan ng proponent na magkaroon ng equity katumbas ng 20% ng kabuuang halaga ng proyekto) at sketch ng project site, at board resolution na nagtatalaga ng business manager (sa ngalan ng samahan/organisasyon) karapatan na mag-sumite ng aplikasyon para sa Tulong PUSO Program (na may notaryo).

Naniniwala ang DOLE-na ang programang Tulong PUSO ay hihikayat sa mga samahan ng OFW upang magtatag ng mga produktibong gawain na naaayon sa mga pangunahing layunin ng pamahalaan na magkaroon ng sama-samang pag-unlad sa rehiyon at sa buong bansa.
Administrator Hans Leo J. Cacdac
OWWA

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...