Cagayan niyanig ng 4.7 na lindol

NIYANIG ng magnitude 4.7 lindol ang Cagayan kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:09 ng umaga. Ang sentro ng lindol ay 35 kilometro sa kanluran ng Calayan at may lalim itong 18 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Calayan at Intensity I sa Aparri, Cagayan at Pasuquin, Ilocos Norte.
May naramdaman naman ang mga instrumento ng Phivolcs na Intensity II sa Claveria at Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.

Read more...