BOL pinirmahan na bilang ganap na batas

SINABI ng Palasyo na pinirmahan na bilang ganap na batas ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Organic Law (BOL), na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“This is to announce that the President has just signed the BOL into law,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kanyang talumpati sa Ipil, Zambonaga Sibugay, sinabi ni Duterte na pirmado na ang BOL, bagamat magkakaroon pa ng ceremonial signing.

“The BBL has been signed, but I’m still going back because I have a ceremony with Jaafar and Murad. And also I’d like to talk to Nur so that we can have it by the end of the year. I can create also just like an autonomy for him if that’s what he wants, and pending the federal system implementation he can just wait for it if he (Nur) trusts me,” sabi ni Duterte.

Unang ipinangako ng Malacanang na mapipirmahan bilang ganap na batas ang BOL bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong Lunes, bagamat hindi ito nangyari matapos ang kudeta sa Kamara.
Sa kanyang SONA, nangako si Duterte na maisasabatas ang BOL sa loob ng 48 oras.

Read more...