Nathalie Hart binuntis ng Indian BF, sa Australia manganganak, magpapakasal

NATHALIE HART

Suportado ang sexy actress na si Nathalie Hart ng kanyang pamilya pati na rin ng family ng boyfriend niyang Indian ngayong nagdadalang-tao na nga siya.

Apat na buwang buntis si Nathalie at babae ang magiging panganay nila ng kanyang BF. Kahit four months na ang baby sa kanyang sinapupunan ay maliit pa rin ang tiyan ni Nathalie kaya hindi halatang preggy na siya.

“Ready naman ako but I guess no one is ready to get to that next step. Madali lang magsalita pero pag dumating na ‘yung time na mag-aasawa ka na, magkakaanak ka na, doon mo mari-realize na may shock factor pala! Totoo na pala ito!” bahagi ng pahayag ni Nathalie sa interview ng press.

“Yung mama ko ang tuwang-tuwa. Siya ang unang excited. Tumalon-talon siya! Pero ‘yung manager ko, (Leo Dominguez), nagalit ‘yon sa akin! Hndi naman nagalit pero siyempre medyo disappointed.

“Supportive naman si Tito Leo. Four years na kami kaya alam ko na ang ugali niya, alam na rin niya ang ugali ko,” dagdag niya.

May nine movies pang gagawin si Nathalie at showing na ngayon ang movie niyang “Kusina Kings.”

Si Cristine Reyes ang una niyang pinagsabihan na buntis siya dahil napansin nito ang kakaiba niyang hitsura. Kasama niya si Cristine sa Viva movie na “Abay Babes.”

“Tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa! ‘Yun pala, hayun!” saad pa niya.
Itinanggi naman niyang nag-isnaban sila ni Cristine sa shooting, “Parehas lang kasi kaming walang pakialam at go lang nang go!” sey niya.

Sa Australia ikakasal si Nathalie sa darating na December at doon muna siya hanggang manganak.

Pero promise niya, tatapusin niyang lahat ang kanyang showbiz commitments bago umalis ng bansa.

Umaasa rin daw siya na kahit may anak na siya ay may mga producer pa rin na kumuha sa kanya.

Recently ay ibinalita ni Nathalie na siya ang bibida sa remake ng classic horror movie na “Patayin Sa Sindak Si Barbara” na pinagbidahan noon nina Susan Roces at Lorna Tolentino.

Read more...