MULA nang manalo sa isang malawakang pa-contest ng isang network ang isang male personality ay hindi na pala siya umuuwi sa kanilang probinsiya.
Nu’ng minsang imbitahan siya sa kanilang piyesta ay naunsiyami ang kanyang mga kababayan, itinuro niya kasi ang mga ito sa kanyang manager, ito raw ang magdedesisyon para sa kanya.
Simple lang ang buhay ng male personality nu’ng hindi pa siya artista, patambay-tambay lang siya sa kung saan-saan, madaling hilahing magkonsorte sa mga santacruzan.
Kuwento ng aming source, “May itsura naman kasi siya talaga, ibang-iba ang kaguwapuhan niya sa mga binata sa kanilang lugar, ‘yun nga ang nagtulak sa kanya para sumali sa talent search.
“Palagi siyang konsorte ng Reyna Elena, wala naman kasing ibang makukuha kundi siya lang, taun-taon, siya ang pumaparada sa bayan nila.
“Okey na okey siya nu’n, palakaibigan kasi siya, saka sumasama rin siya sa pamimitas ng mga gulay at prutas na ibinebenta ng mga kababayan nila. In short, isa siyang trabahador,” simulang chika ng aming source.
Sinuwerte ang male personality, nagkaroon siya ng mga serye at pelikula, ibang-iba na ang kanyang itsura dahil nabihisan na siya at naalagaan ng gym ang kanyang katawan.
“Mula nu’n, hindi na siya umuuwi sa lugar nila. Palagi na kasi siyang busy, napakarami raw niyang work, kaya hindi siya makahanap ng panahong makabalik sa bayang pinanggalingan niya.
“Gustung-gusto siyang makasama sa class reunion nila, sabik na sa kanya ang mga kaklase niya, pero talagang palagi silang bigo dahil busy pa rin ang guwapo nilang kaeskuwela.
“Hindi naman siya nagyayabang, may communication pa rin naman sila ng mga kaklase niya, pero talagang hindi lang siya makauwi dahil wala nga raw siyang panahon. Kontra naman ng mga taong nakakaalam ng totoo, e, marami siyang magagamit na panahon kung gugustuhin lang niya.
“Hindi naman siya nagtatrabaho sa lahat ng araw, marami siyang libreng pagkakataon, huwag na lang daw pilitin ang ayaw. Hindi ang ulo niya ang lumalaki, pero kapangalan niya ang ibon na super-laki,” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.