Pacman ikinumpara ang pagboboksing sa buhay ni Rocky; lalaban uli sa Disyembre

LUCAS MATTHYSSE AT MANNY PACQUIAO

Ngayong naranasan na ng Pambansang Kamao ang pagiging promoter mismo sa kanyang laban ay nagpahayag na ang pambato nating boksingero na siya na ang hahawak ngayon ng lahat ng mga susunod pa niyang laban.

Hindi pera ang habol ni Senador Manny Pacquiao kundi ang kaayusan ng lahat ng aspeto, organisado kasi si Pacman, binabantayan niya ang lahat ng anggulo ng kanyang propesyon.

Sa December ang pinupuntirya niyang pakikipagsalpukan uli, pero hindi pa niya sinasabi kung sino ang makakasukatan niya ng lakas, siya ang mayhawak ngayon ng pagiging kampeon ng WBA Welterweight belt.

“Bukod sa Panginoon na nagbibigay sa akin ng lakas sa laban, napakalaking tulong para sa akin ang matinding suporta ng mga kababayan natin. Parang sa pelikula rin, ‘yung Rocky?

“Very inspired lumaban ang bida dahil nandu’n ang mga taong umaasang mananalo siya sa laban. Kapag naririnig ko na ang pag-chant ng mga nanonood sa pangalan ko, dagdag na energy ‘yun para sa akin,” pagtatapat ng Pambansang Kamao.

Mga dalawa-tatlong laban pa raw ang kanyang haharapin, anuman ang maging resulta ng kanyang mga laban, ayon kay Senador Manny Pacquiao ay panahon na para iligpit at ipakuwadro niya na lang ang mga makasaysayan niyang kagamitan sa pakikipagsalpukan na napakatagumpay.

Read more...