Bahay ni Gerald ninakawan; sapatos, mga t-shirt nakuha sa suspek

GERALD ANDERSON

NILOOBAN at nanakawan ang bahay ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat, mismong ang personal assistant ng binata na si Jalil Laidan ang nakakita sa isang lalaki na nakatayo sa tabi ng sasakyan bago maganap ang insidente. Sinabi naman ng saksing si Erwin Ebora, driver ng kapitbahay ni Gerald, nakita niyang pumasok at lumabas ang suspek sa bahay ng aktor.

Sinita raw nila ang lalaki pero bigla na lang itong nagtatakbo palayo. Mabilis namang rumesponde ang otoridad kaya nahuli ang suspek. Nakuha sa kanya ang isang pares ng sapatos ni Gerald at mga r-shirt. Base sa report ng pulisya, ang suspek ay anak diumano ng dating katiwala ni Gerald.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang bintang sa kanya habang iniimbestigahan sa Batasan Police Station. Wala pang official statement si Gerald hinggil dito.

Read more...