K-Drama na ‘Life’ ni Lee Dong Wook nagsimula nang umere

LEE DONG WOOK AT BAE SUZY

Palabas na ang bagong K-Drama ng Korean superstar na si Lee Dong Wook na Life. Nagsimula itong umere nitong Hulyo 23 lang (Lunes).

Isang medical specialist sa Sang Kook University Hospital ang role ni Dong Wook sa nasabing TV series.

Napapanood ito tuwing Lunes at Martes ng gabi.

Kasama rito ni Dong Wook ang Korean actress na si Won Jin Ah.

Matatandaang napaulat na hiwalay na sina Dong Wook at Bae Suzy matapos ang ilang buwang pagde-date.

Bukod sa Goblin, kabilang sa mga nagawang Korean drama ni Dong Wook ay ang My Girl, Scent of a Woman at Hotel King.

Read more...