‘Playful Kiss’ star Kim Hyun Joong balik-akting sa fantasy-drama series

KIM HYUN JOONG


Balik-akting din ang sikat na aktor na si Kim Hyun Joon matapos magpahinga sa paggawa ng serye.

Kinumpirma ng agency ni Hyun Joong na siya ang magiging lead actor sa bagong fantasy drama na That Moment When Time Stops.

Kwento ng isang time-traveler ang That Moment When Time Stops. Nagtataglay si Hyun Joong sa kwento ng magical powers.

Inaasahang mapapanood ang Korean drama sa Oktubre.

Matatandaang bukod sa Playful Kiss, kabilang pa sa mga K-hit drama na nagawa ni Hyun Joong ay ang Boys Over Flowers, Inspiring Generation at ang K-variety na Barefooted Friends.

Read more...