Male star walang hiya-hiyang rumampa kasama ang ‘kabit’

SINADYA naming hindi kunan ng litrato ang asawa ng kilalang aktres sa isang malaking pagtitipon na may kasamang babae.

Matagal nang nababalita na hiwalay na ang mag-asawa pero hindi nila ito kinukumpirma dahil na rin siguro sa kanilang respective careers.

Ilalarawan namin ang eksenang nakita namin sa event – naglalakad ang aktor kasama ang girl na medyo maliit ang height at long hair na nakasuot ng blouse with stripes and skirt.

Nu’ng una hindi namin pinansin dahil baka nagkasabay lang sila sa paglalakad, pero nang mag-holding hands na sila sa harap ng maraming tao ay nagduda na kami. Pero kahit na maraming nakatingin sa kanila ay parang deadma lang ang aktor.

Kung ganito na ang ginagawa ng aktor, ibig sabihin ay wala na siyang pakialam sa kung anong mararamdaman ng kanyang asawang aktres.

Baka naman nag-usap na ang mag-asawa at okay na ang set-up nila. Kailan kaya namin makakausap ang kilalang aktres para malaman ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktor. Aamin na kaya siyang hiwalay na sila?

Sa kasalukuyan ay may teleserye ang aktor na hindi naman kalakihan ang exposure.

Read more...