Anne, Heart nanawagan sa 3 senador na kontra sa LGBTQIA+ ‘Equality Bill’

NANGUNA si Anne Curtis sa mga celebrities na nanawagan sa mga senador na kontra diumano sa pagsusulong ng panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual) community laban sa diskriminasyon.

Sa Instagram Story ng TV host-actress, inilahad ni Anne ang kanyang saloobin tungkol dito kasabay ng pagbibigay ng ilang detalye tungkol sa SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Equality Bill, o ang tinatawag na Anti-Discrimination Bill.

Balitang inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang nasabing panukalang-batas at hinihintay na lang na talakayin ito sa Senado. Pero nakarating kay Anne at sa iba pang kilalang personalidad tulad nina Heart Evangelista at Christine Babao na may ilang senador ang hindi pabor dito, kabilang na raw sina Senate President Tito Sotto, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Joel Villanueva.

Narito ang mensahe ni Anne para sa mga senador na hindi pumapabor sa Anti-Discrimination Bill, “My whole team—people I love and spend every day with, are members of the LGBTQIA Community. There’s nothing more I want for them than to have equal rights as citizens of this country.

“And to live a life that is free of discrimination and they can express themselves freely knowing that they are loved and protected by the country they call home. Wouldn’t you agree?” aniya pa. Naka-tag sa post ni Anne sina Tito Sen, Pacman at Villanueva.

Hirit pa ng Kapamilya actress, “I’m sure you have friends or members of your own team that are part of the LGBTQIA community that love and support you. Now is the time to stand with them and give back that same love! Big hugs po!”

Narito naman ang ipinost ni Heart sa IG tungkol sa isyu, “Everyone has the right to live, work, and dream. The SOGIE bill is a step in the right direction to guarantee the protection of those rights, especially for our friends in the LGBTQIA+ community.

“Last year the bill made great progress but we still have a long way to go. My husband and I are in full support of this bill and hope to see it move forward and become a law,” sey pa ng Kapuso actress.

Read more...