Echo bigay-todo sa Halik: Kung kailangang mag-make love, go!

BIGAY-TODO si Jericho Rosales sa latest primetime soap niyang Halik kasama sina Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion.

Gaano siya kaseksi sa series? “Binigay ko ang karapat-dapat lang kasi sa bahay namin ni Yam kunyari wala naman kaming inhibition. Kung kailangan naming mag-makelove, eh, di mag-make love. Kung ano ang kailangan kong gawin ibibigay ko lahat. Pero dito ‘yung role ko kasi, alam mo ‘yun, may kasama kami sa bahay, may boarding house kami.

“Yun ang problema namin. Alangan namang maghubad-hubad ako sa bahay namin tapos nandoon ang nanay ko, ‘yung tita ko, ‘yung uncle ko, ‘yung kapitbahay namin. Pero ‘pag nandoon na kami sa kuwarto ng asawa ko, doon na ako puwedeng mag-sexy time,” he said.

Naiiba ang Halik dahil lalaki ang bida and this excites Echo, “In a way, it is groundbreaking dahil nasa center ng story. Ako, hindi ko puwedeng talikuran na at the end of the day it is a teleserye. Slowly, parang binabali natin ang formula. We cannot step away from what works.”

Read more...