Devon Seron maluha-luha sa presscon ng ‘Bakwit Boys’

CLOSE to Devon Seron’s heart ang role niya sa Pista Ng Pelikulang Pilipino entry 2018 na “Bakwit Boys.” Bago inagaw ng showbiz, member pala siya ng isang banda at ilang taon din siyang naging musikero na kanyang pinagkakakitaan.

“Itong film na ito, umiikot sa mga pangarap sa buhay. So kahit rich o poor ka, may kanya-kanyang struggle to fulfill your dreams.

“Meaningful siya sa akin hindi lang sa pag-arte, bumalik din ang pagmamahal ko sa pagkanta, sa music, kaya very emotional ako,” pahayag n Devon na napaiyak sa presscon ng Jason Paul Laxamana movie.

Parte rin ng movie ang pagkanta ni Devon kasama ang stage actor na si Vance Larena.

Pero kahit si Vance ang kapareha niya, suportado pa rin ang Kapuso artist ng fans nila ni Kiko Estrada na walang sawang humihiling sa GMA Network na pagsamahin na ang mga idolo sa isang series.

Anyway, mapapanood na ang “Bakwit Boys” simula sa Aug. 15 hanggang 21 sa mga sinehan bilang bahagi nga ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 mula sa T-Rex Entertainment.

Read more...