Romnick may bagong manager; kontrabida sa Halik

GOOD news para sa lahat ng mga loyal supporters ng dating matinee idol na si Romnick Sarmenta! Mapapanood n’yo na uli ang aktor sa bagong primetime serye ng ABS-CBN na Halik.

Kung nabitin kayo sa paglabas niya noon sa fantasy-action series na La Luna Sangre bilang tatay ni Daniel Padilla, mas mahaba raw ang exposure ni Romnick sa Halik kung saan gaganap siya bilang si Mauro Montefalco, isa sa mga kontrabida sa kuwento.

Isang challenge ito para kay Romnick dahil first time yata niyang magkokontrabida sa isang TV series kaya naman siguradong maninibago ang viewers sa kanya.

Makakasama niya rito ang apat na bida ng serye na sina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos.

Kamakailan ay ipinakilala si Romnick bilang isa sa bagong talents ng Clever Minds, Inc., nina Derick Cabrido, Omar Sortijas, Shiela Vidanes at Ross Relatores. Ayon sa aktor, maraming plano ang Clever Minds para sa kanyang showbiz career kaya ‘yan daw ang dapat n’yong abangan.

Ilan pa sa mga artistang alaga ng Clever Minds ay sina Cris Villanueva na kasama rin sa
Halik, ang mag-asawang Che Ramos at Chrome Cosio at ang teen star na si Gold Aceron.

Going back to Romnick, in fairness, isa siya sa iilang aktor na napanatiling maayos ang married life sa loob ng maraming taon. Going strong pa rin ang pagsasama nila ni Harlene Bautista kasama ang lima nilang anak.

Sey ng dating child star, isa sa mga sikreto ng kanilang maayos at masayang pagsasama ay ang open communication at respeto sa feelings ng isa’t isa.

Inamin din niya na nagkakatampuhan din sila ni Harlene pero sa maliliit na bagay lang at agad din nila itong naaayos. At kapag may hindi sila pagkakaunawaan ng asawa, mas madalas daw na siya ang unang nanunuyo.

Read more...