Sickness claim status

MAGANDANG araw po ma’am. Gusto ko lang po itanong kung paano ko malalaman ang status ng sickness claim ko sa SSS. Salamat po.

Chris

REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni Chris patungkol sa kanyang sickness claim sa SSS.

Hindi nabanggit ni Chris ang kanyang SSS number upang ma-check naming ang status ng kanyang sickness claim.

Para sa kanyang kaalaman, ang sickness benefit ay pang-araw-araw na cash allowance na ibinibigay sa ilalim ng regular na programa ng SSS para sa bilang ng araw na hindi siya nakapagtrabaho dahil sa pagkakasakit. Ito ay para sa mga kwalipikadong miyembro na nagkasakit ng hindi kukulangin sa apat na araw at ubos na ang kanilang company sick leave para sa nasabing taon. Dapat mayroon siyang hindi bababa sa tatlong (3) hulog sa huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit. Kinakailangan nakapagsumite din siya ng sickness notification sa kanyang employer.

Parehong dapat sumunod ang employer at ang employee sa 10 araw na panuntunan ng SSS sa pagsusumite ng sickness notification. Sa loob ng limang araw mula sa kanyang pagkakasakit, kailangang isumite ng empleyado sa kanyang employer ang SS Form CLD-9N. Kapag natanggap ng employer ang notification mula sa empleyado, may limang araw din siya para abisuhan ang SSS sa pamamagitan ng online o personal na pagsumite ng kaukulang notipikasyon.

Employer ang nag-aabono ng sickness allowance ng kanyang empleyado at ang employer naman ang babayaran ng SSS matapos maisumite nito ang sickness reimbursement.

Kapag ipinasa ng empleyado sa tamang panahon ang kanyang sickness notification ngunit hindi ito kaagad ipinasa ng kanyang employer, buo pa din ang tatanggaping sickness benefit mula sa kanyang employer. Subalit, ang halaga ng reimbursement na matatanggap ng employer ay mababawasan bilang parusa sa late na pagbibigay ng notification.

Iminumungkahi namin kay Chris na makipag-ugnayan siya sa sangay ng SSS kung saan ipinasa ang kanyang sickness claim.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan niya.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Department Manager

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...