Agot sa pagiging house speaker ni Gloria: And she’s back, aminin n’yo marupok tayo!

#SHOOKT! ‘Yan ang reaksyon ng ilang celebrities sa naganap na “kudeta” sa Kongreso bago magsimula ang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Ayon sa ilang netizens, parang eksena raw sa teleserye at pelikula ang biglaang pagpapalit ng House Speaker – pinalitan na nga ni Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker ng Mababang Kapulungan.

Disappointed ang singer-actress na si Agot Isidro sa mga nasaksihan niyang kaganapan sa Kongreso. Tweet ni Agot, “Aaand she’s back. With a vengeance. Just like that, folks. Aminin ninyo, marupok tayo.”

Halos ganito rin ang sentimyento ng TV host na Bianca Gonzalez sa isyu na gumamit pa ng hashtag #SHOOKT, “CGMA in the House Speaker’s seat for the SONA after everything that has happened…did not see that coming.”

Pabiro naman ang hirit ng aktres na si Alessandra de Rossi sa naganap sa Kamara, “Taray! May plot twist ang sona. Yung love life natin wala! uwian na!”

Nag-viral naman ang meme na ginawa ng kilalang TV personality na si Jun Sabayton kung saan makikita ang picture ni GMA na tila sumisigaw with matching thought bubble na “Hello! G!!”

Ito’y pang-asar sa dating pangulo patungkol sa “Hello, Garci” scandal na kinasangkutan nito noong 2004 national elections .

Dahil sa kasong plunder, halos apat na taong naka-hospital arrest si GMA at noong July, 2016 (sa pag-upo ni Duterte sa Palasyo), nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court na nagbabasura sa kasong plunder kaya siya’y napalaya.

Read more...