TomJen sa pasabog na ending ng The Cure: May gulat factor talaga!

SIGURADONG ikagugulat ng manonood ang finale ng Kapuso primetime series na The Cure. Hindi n’yo raw kakayanin ang huling mga pasabog ng serye.

Alamin kung paano madidiskubre ang “cure” na matagal nang hinahanap ng mga pangunahing karakter sa kuwento kabilang na ang mag-asawang Charity (Jennylyn Mercado) at Greg (Tom Rodriguez) para mapuksa ang kinatatakutang killer virus.

Sa nalalapit na pagtatapos ng The Cure, promise ng cast members at ng buong production ang nakakaloka at nakaka-shock na ending this Friday.

Ayon kay Jennylyn super mami-miss niya ang lahat ng nakatrabaho niya sa serye, “Bukod sa mga artista, production ang talagang mamimiss namin. Kasi syempre ang tagal na naming magkakasama.” She also added that viewers will be surprised with the ending, “May gulat factor.”

Para naman kay Tom, “Sa last week, siguradong may pasabog. Exciting kasi pati kami, we’re trying to guess anong susunod na mangyayari, sino kayang sunod na mawawala. It all ties up nicely.”

Super grateful naman si Mark Herras na napasama siya sa The Cure bilang si Darius, “Mami-miss ko ‘yung taping, ‘yung character ko at yung vibe ng The Cure. First kontrabida role ko ito kaya nagpapasalamat ako sa GMA dahil sinuportahan nila yung gusto ko na mag-try sa panibagong chapter ng career ko.”

For her part, award-winning Kapuso actress LJ Reyes who plays the role of Katrina, shared that it’s the behind-the-scenes she will miss most. “Buong cast mami-miss ko. Mostly yung mga usapan namin pag behind the camera.”

Gustung-gusto rin daw niya ang message ng show, “Siyempre gusto natin lagi tayong nakakapag-bigay ng magandang pag-asa sa mga tao. Kaya abangan nila sino ‘yung cure.”

At kahit sa bandang ending na pumasok ang karakter ni Kylie Padilla hindi siya nagsisisi na ito ang pinili niyang comeback show after manganak, “Nu’ng unang pinalabas ito, napapanood ko talaga. Mahilig ako sa ganitong genre, action, kaya noon pa lang naisip ko na sana mag-guest ako dito. Masaya kasi gusto ko ‘yung character ko and binigyan nila ako ng freedom to build my character, Adira.”

Sa huling tatlong gabi ng The Cure, tutukan ang mas matitindi pang aksyon at drama sa buhay nina Charity at Greg at ng anak nilang si Hope (Leanne Bautista). Maraming buhay na ang nawala at mas dumarami pa ang nabibiktima ng killer virus, ano o sino nga ba ang the cure?

Sa direksyon ni Mark Reyes, huwag na huwag palalampasin ang exciting viral finale week ng The Cure after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...