Yam lumaban nang laplapan kay Sam: Gigil na gigil siya!!!

PAGKATAPOS ng grand media conference para sa Kapamilya seryeng Halik, nakausap namin si Yam Concepcion na gaganap bilang asawa ni Jericho Rosales na naging lover ni Sam Milby na asawa naman ni Yen Santos.

Ang koneksyon naman nina Jericho at Yen sa kuwento ay dati silang childhood sweethearts kaya nu’ng muling magkita ay nabuhay ang mainit nilang pagmamahalan.

“Nagkunek-kunek na hindi ko alam na asawa pala ni Sam si Yen at nagkaroon kami ng affair, pero hindi ko muna puwedeng sabihin kasi ‘yun ang conflict. Saka ang maganda dalawang perception kasi babae at lalaki at advantage rin ‘yung mga direktor namin, babae at lalaki rin,” kuwento ni Yam.

Sa Q&A ng presscon ay nabanggit ni Yam na matinding humalik si Sam dahil “nangangain” daw (ng labi) na agad naman niyang binawi nang makausap namin nang solo, “Joke lang ‘yun.”
Pero inamin niyang passionate ang kissing scenes niya kina Sam at Echo, “Very passionate talaga sa kanila, hindi ko puwedeng ikumpara pero mas marami akong kissing scene kay Sam,” say ng dalaga.

Sino ang mas magaling humalik kina Echo at Sam? Ha-hahaha! Grabe naman ang tanong! Depende sa eksena, madadala ka lang sa eksena.”

Sa tanong namin kung paano niya nagampanan ang karakter na may asawa gayung hindi pa naman siya married, “Siyempre may mga kilala rin akong married na and I did my research kasi ‘yung first director ko, si direk FM (Reyes), nag-workshop kami no’n, tinulungan niya ako talaga sa karakter ko. So sabi niya, ‘I suggest you have to ask other people regarding their stories about relationship’ and it helped me a lot,” kuwento ni Yam.

Bukod kasi sa may asawa ang karakter ni Yam sa Halik ay lumaki pa siyang walang pamilya dahil kung sinu-sino ang nagpalaki sa kanya, “Kaya longing ako to have a family. Orphan kasi ako rito, palipat-lipat kami ng bahay, pero hindi naman ako lumaki sa orphanage.

“Wala akong matatawag na magulang kasi palipat-lipat ako kaya intriguing na sa akin at ano ang pakiramdam ng ganu’n. In reality hindi naman ako ganu’n kasi full of love naman ako,” paliwanag ng aktres.

Bumalik ang usapan namin sa kissing scene nila ni Sam, kuwento ni Yam, “We both alalay sa isa’t isa, parang pantay naman at ‘yung direktor namin ang tumulong sa amin,” saad ni Yam.

Mas intense raw humalik si Sam, “Gigil kasi siya. Ha-hahaha! Pero I think nasa character ‘yun, nilabanan ko na rin kasi kailangan sa eksena. Ang hirap dayain kasi, so ayun.”

Mahirap gumawa ng kissing scene at love scene kapag may karelasyon at aminado si Yam dito dahil very strong pa rin ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na kasalukuyang nasa Amerika.

Tinanong namin kung seloso ba ang boyfriend, “Yes. Understanding naman siya pero siguro mas magandang huwag na lang niyang panoorin. Kasi siyempre di ba, ikaw ba papayag kang may ibang kahalikan ang karelasyon mo?”

Hindi raw pinanood ng boyfriend niya ang mga nagawang teleserye kaya wala itong idea, pero minsan daw ay nasa bahay nila ang guy at nanood ang mommy niya ng seryeng Langit Lupa.

“Inunahan ko na sabi ko may kissing scene ako kay Patrick (Garcia) sabay takip na niya ng mukha. Minsan kasi mas maganda na ‘yung hindi mo alam o nakikita para walang isyu,” sabi pa ng aktres.

Pero idiniin ni Yam na nirerespeto naman ng boyfriend niya ang kanyang trabaho.

Samantala, may ilang aktor na ring nakahalikan si Yam kaya tinanong namin kung sino pa ang gusto niyang maka-kissing scene para pampakilig lang, “Si Coco Martin, sayang nga, eh, hindi natuloy nu’ng nasa Ang Probinsyano ako,” tumawang sabi ng dalaga.

Biro namin siya kung bakit hindi niya ito pinush kay Coco, “Hala, nakakahiya naman, baka ayaw din naman.”

Anyway, mapapanood na ang Halik simula sa Agosto 13, Lunes mula sa RSB Unit kung saan makakasama rin sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane de Leon at Gab Lagman mula sa direksyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.

Read more...