Maritoni naiyak habang nakikiusap sa AlDub fans; awang-awa kay Janine

HINDI napigilan ng aktres na si Maritoni Fernandez ang maiyak habang nagpapaliwanag tungkol sa mga natanggap niyang pamba-bash mula sa AlDub fans.

Nakachikahan namin siya the other night sa grand mediacon ng latest fantasy action series ng
GMA na Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards sa direksyon ni Dominic Zapata.

Kuwento ng aktres, nagsimula raw siyang awayin ng AlDub fans nang mag-post siya ng litrato nila ng Pambansang Bae sa Instagram nang muli silang magkita sa GMA bago pa magsimula ang taping nila para sa Victor Magtanggol. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya ng mga bashers nang dahil lang sa nasabing litrato.

“I posted a picture with him. Wala naman akong sinabi, nothing. Ang nilagay ko lang, ‘nice to bump into my anak’ kasi nga ka-Tween Hearts (dating youth-oriented show ng GMA) niya sina Lexi (anak niya). Very close sa akin lahat ng Tween Hearts like sina Kristoffer (Martin na kasama rin sa VM), all of them are like my own kids.

“Siyempre sa bahay nga naghahang-out sila with Lexi so nu’ng nagkita kami talagang, ‘Oh, anak kamusta na?’ ganyan. Nag-post ako siyempre ng photo naming dalawa tapos wow yung mga fans! My God! Pagdating ko nga sa set sabi ko bakit ganu’n yung mga fans hindi naman…kasi we all know it’s not really the choice of the actor or the actress kung sino ang ipe-pair sa kanila, di ba?

“It’s really up to the network kasi kunyari kung nakapirma si Alden sa GMA, it’s really not his choice kung sinong ipe-pair sa kanya. Kaya naawa talaga ako kay Janine (Gutierrez, leading lady ni Alden sa serye) kasi parang feeling ko kawawa naman yung bata bina-bash, hindi naman niya kasalanan. It’s just a project.

“Ang dami talagang nag-message na nega talaga na mga fans nina Alden and Maine (Mendoza). Sabi ko, I understand that they are fans and I understand that they love them together. Pero how will they grow naman if they’re not allowed to work on their own din, di ba? Sabi ko sana i-support na lang nila kahit sino yung i-partner kasi sobrang ganda ng show na ‘to.

“Pinaghihirapan talaga ni Alden. He’s given his hundred percent talaga, effort, talagang nagpaganda ng katawan and everything. Saka si Maine din naman may mga projects na wala si Alden. It’s just fair to give them both all our support,” pakiusap pa ni Maritoni.

Sa Victor Magtanggol, gaganap ang aktres bilang madrasta ni Janine at second wife ni Eric Quizon na isa namang politician. Isang field reporter naman ang role ni Janine na siyang maa-assign para i-cover ang mga kaganapan sa buhay ni Hammerman, ang superhero character ni Victor Magtanggol.

q q q

Isa sa mga dapat abangan ng mga bagets sa Victor Magtanggol ay ang sidekick ni Alden sa kuwento na si Yuan “PaoPao” Francisco na gaganap bilang si Meloy.

Siya ang pamangkin ni Victor na unang-unang makakaalam sa kanyang pagiging superhero. Sa set ng VM, talagang siya ang baby ng buong cast at talaga namang pampaaliw sa set ng serye.

Sa nakaraang ngang presscon ng latest offering ng GMA sa primetime, sinabi ni Maritoni at ng iba pang members ng cast na bukod sa napakagaling na artista ni PaoPao ay napaka-sweet pa.

Kahit pagod na pagod na sila sa taping, nawawala ang kanilang stress kapag nakikita ang child star.

Read more...