Ginebra pasok sa Finals

NAKUHA ng Barangay Ginebra ang ikalawang silya sa Finals matapos maungusan ang Rain or Shine, 96-94, sa Game Four ng kanilang 2018 PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals series Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Gumawa sina Greg Slaughter at Joe Devance ng tig-19 puntos para pangunahan ang Gin Kings.

Nag-ambag naman si LA Tenorio ng 16 puntos para sa Barangay Ginebra.

Pinamunuan ni Reggie Johnson ang Elasto Painters sa itinalang 22 puntos.

Makakaharap ng Gin Kings ang San Miguel Beermen sa best-of-seven championship series.

Read more...