Horoscope, July 24, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Imbis na mag-concentrate sa aspetong pang-damdamin, na ikalulungkot mo lang sa dakong huli, mag-concentrate na lang sa mga bagay na may kaugnayan sa career at pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ogre-Ego-Sum.” Red ang pink ay buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Magiging paborable ang pagdating ng zodiac sign na Leo, ituloy mo ang lahat ng iyong binabalak. Ang lahat ng inaambisyon at pinapangarap mo ay ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit habang patuloy ang malakas na pag-ulan. Mapalad ang 9, 14, 23, 32, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Magenta at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ito ang araw na pagkakalooban ka ng extra at dagdag na biyaya ng langit. Ingatan at ipunin mong mabuti ang mga biyayang ito, upang hindi masayang sa walang kabuluhang gawain. Sa pag-ibig, mahalin ng higit ang iyong kasuyo, dahil siya ang magbibigay sa iyo ng ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Mayabeeja-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ituloy lang ng ituloy ang iyong ginagawa, hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, habang umuulan lalong mag-aalab ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang mahilig na Libra. Mapalad ang 3, 12, 23, 27, 31, at 43. Mahgiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Upang mas madaling umunlad at umasenso mas mainam na magpatulong sa isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig sa isang kaibigan Scorpio matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om-Agara.” Blue at maroon ang buenas.
Leo (July 23 – August 22) — Wag ng maghanda ng masyadong magarbo at mangungumbida pa ng kung sino-sino. Simpleng birthday na lang ang dapat. Yayain ang kasuo sa isang pribadong lugar at doon kayo mag happy-happy. Sa ganyang paraan, nakatipid ka na lalo pang naging sweet ang relasyon ninyo. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang pagpapakumbaba ang magdadala sa iyo sa malaking tagumpay. Walang kayabang-yamang, kumilos lang ng kumilos upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, naiinip na ang kasuyo sa mga pangakong hindi mo naman natutupad. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om.” Silver at Violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kusang sinusuwerte ang mga Libra sa panahon sila ay in love. Buhayin ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Malaking tagumpay ang makakamit sa sandaling sumulak ng husto ang iyong libibo. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, habang pumapasok ang tag-unlan, iinit na ng iinit ang nanlamig na relasyon. Kung magsusuot ng kulay na red kusang darami nang darami ang salapi. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Bukod sa red at ang berde ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bago ka pa isinilang binigyan ka na ng magandang kapalaran. Upang ang magandang kapalarang ito ay manatili sa iyong buhay, dapat kang tumulong sa iyong kapamilya at sa iyong mga kamag-anak. Sa pag-ibig, habang sunod lang ng sunod sa iyo ang iyong kasuyo, pasarap pa ng pasarap lalo ang romansa. Mapalad ang 7, 9, 27, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Red at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi na uso ngayon ang nagbabait-baitan, upang umunlad ka kailangan ipaglaban ang iyong paniniwala. Tandaang higit na mas mabuti ang matuwid kaysa sa mabait. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka kumikibo, patuloy ka lang aapihin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Dumarami lalo ang iyong problema dahil nagdedesisyon kang mag-isa. Sa muling pagpapasya kunsultahin ang kasuyo, upang mas maging paborable sa iyo at sa kanya ang magiging resulta ng anumang transaksyong papasukan. Mapalad ang 1, 14, 19, 28, 35, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om-Hagiel-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi ka magbabago ng kilos, malabo kang umunlad. Kung gusto mong yumaman kailangang umalis ka sa sinilangang bayan at hindi ka rin dapat na gasta ng gasta at labas ng labas ng pera. Sa pag-ibig, romansa militar ang hinahanap ng kasuyo na hindi mo pa sa kanya na ipadarama. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Pink at white ang buenas.

Read more...