Vic, Pauleen may secret para mas tumindi ang love sa isa’t isa

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

ISA sa mga sikreto ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna para mapanatiling strong and sweet ang kanilang relasyon ay ang tinatawag nilang “me time”.

Kahit na busy sila sa pagtatrabaho at pag-aalaga kay Baby Talitha at sa iba pang personal commitments, hindi pa rin nila nakakalimutan ang mag-date na parang nasa ligawan stage pa lang. Tulad na lang ng bakasyon nila sa Europe kamakailan, hindi raw talaga nila isinama ang anak para makapag-bonding sila nang bonggang-bongga.

“I think it’s also healthy na nakakapag-time alone din kami,” sabi ni Bossing.

Read more...