Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 at 4.5 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:28 ng umaga.

 

Ang sentro nito ay 120 kilometro sa kanluran ng Sarangani. May lalim itong 33 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.

 

Hindi naramdaman sa lupa ang pagyanig na ito subalit nagbabala ang Phivolcs ng mga aftershocks.

 

Alas-2:19 ng umaga ay magnitude 4.5 naman ang naitala ng Phivolcs 123 kilometro sa kanluran ng Davao Occidental. May lalim itong 33 kilometro.

 

Ang lindol sa dagat ay binabantayan dahil maaari itong magresulta sa tsunami.

Read more...