LUMABAS na ang bagyong Josie habang isang Low Pressure Area naman ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration posibleng maging tropical depression ang LPA sa susunod na dalawang araw.
Ang LPA ay nasa layong 1,495 kilometro sa silangan ng Central Luzon.
Patuloy namang magpapaulan ang Hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES