KUNG bibigyan ng chance, handang tanggapin ni Tawag Ng Tanghalan grand winner Janine Berdin ang hamon ng pagiging aktres. Sumali rin pala siya noon sa Kapamilya reality talent search na Star Circle Quest.
“Hindi po siya (acting) unfamiliar sa akin kasi noong bata po ako, nag-a-acting po. Isa din po siya sa mga passion ko,” pag-amin ng dalaga.
Masayang ibinalita ni Janine na very soon ay bibida na siya sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos kung saan siya mismo ang gaganap sa kanyang sariling life story.
“If ever bigyan nila ako ng chance na mag-acting, siyempre whole-heartedly kong tatanggapin yun kasi isa yun sa mga gusto ko talagang gawin,” sabi pa ng dalaga nang nakachikahan ng ilang members ng entertainment media sa nakaraang launching ng TNT Records.
Ang TNT Records bagong music record label under Star Music at isa nga si Janine sa mga pioneer contract artists nito kasama ang iba pang produkto ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime tulad ng TNT Boys (Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion), Ato Arman, Eumee Capili, Froilan Canlas, Anton Antenorcruz, Arabelle dela Cruz, Reggie Tortugo, Sheena Belarmino at Steven Paysu.
Pumirma din ng kontrata ang iba pang produkto ng Tawag ng Tanghalan Season 2 na sina JM Bales, Christian Bahaya, at Sofronio Vasquez (na kilalanin ang kanilang grupo na COVE), at sina Lalaine Araña at Pauline Agupitan (na bubuo naman sa bandang biritera na Bukang Liwayway).
Sa darating na July 28, magsasama-sama silang lahat sa inaabangang “TNT All-Star Showdown” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum. Tampok din dito ang TNT Season 1 grand champion na si Noven Belleza.