Andrea, Janine sa bashers: Trabaho lang, walang personalan

SPEAKING of Andrea Torres, ngayon pa lang ay super excited na siya sa nalalapit na paglipad ng bagong fantasy series ng GMA na Victor Magtanggol starring Alden Richards.

Tiyak daw na magugustuhan ng mga manonood lalo na ng mga bata ang costume nila sa VM. Kung hindi kami nagkakamali kakampi ni Alden bilang si Victor Magtanggol si Andrea pero hindi lang kami sure kung magkakaroon ba sila ng love angle sa kuwento.

Bukod kay Andrea, magiging leading lady din ni Alden sa serye si Janine Gutierrez na manhid na raw sa pamba-bash ng ilang AlDub fans. Basta ang sey nina Janine at Andrea trabaho lang ang lahat, kaya walang personalan. Magsisimula na next week ang Victor Magtanggol sa GMA Telebabad.

Read more...