Sino kina Brillante at Joyce ang mas magaling na SONA director?

PURING-PURI ni Robin Padilla si direk Joyce Bernal dahil hindi ito nagpabayad sa pagdidirek ng SONA ni President Rodrigo Duterte na magaganap today.

“Kapag para sa INANGBAYAN hindi ka dapat BINABAYARAN!!!!! Malalim na pagpupugay sa iyo binibining Joyce Bernal isa kang halimbawa at ilaw sa lahat sa aming nasa Industriya at rebolusyon! Mabuhay ka at ang ating panata!

“When these teachings shall have been propagated and the glorious sun of freedom begins to shine on these poor islands to enlighten a united race and people, then all the loves lost, all the struggle and sacrifices shall not have been in vain’ – ika 14 na bilang sa kartilya ng Katipunan,” papuri ni Robin kay Joyce sa IG account niya.

Excited ang madlang pipol kung paano ididirek ni Joyce ang SONA ni Digong. Malagpasan kaya niya ang performance ni Brillante Mendoza na unang nagdirek sa SONA ni Duterte?

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay napasugod si Leo (Robin) sa bahay ni Mona (Jodi Sta. Maria) dahil pinasok ng masasamang loob ang bahay nito.

Read more...