Liza certified college student na, desididong tapusin ang BS Psychology

LIZA SOBERANO

SA kabila ng kanyang super busy schedule, desidido pa rin si Liza Soberano na maka-graduate.

Opisyal na siyang college freshman, base na rin sa naka-post na mensahe sa Southville International School and Colleges (SISC) Facebook page.

Bukod sa patayang taping para sa fantaserye nila ni Enrique Gil sa ABS-CBN na Bagani at sa iba pa niyang commitments, nagsisimula na ring mag-shooting si Liza para sa bagong version ng “Darna” directed by Erik Matti. But despite this, Liza still wants to pursue her studies para makuha ang kanyang degree sa BS Psychology.

Ayon sa ulat, nag-enroll si Liza sa isang educational program kung saan pwede siyang pumasok at least once a week para sa kanyang written exams, hands-on exercises at lectures.

Ang daming humanga at bumilib sa Bagani star at nagsabing sana’y tularan siya ng iba pang kabataang artista lalo na yung mga nawalan na nang ganang mag-aral dahil malaki na ang kinikita. Iba pa rin kasi talaga ang may edukasyon at college diploma.

Read more...