Tropa ni Nadine may ‘pa-pwet festival’, puro panglalait ang inabot sa mga netizen

MAY naglabasan na namang bikini photos itong si Nadine Lustre sa ilang Facebook fan page account na ewan namin kung latest picture nga niya.

This time, she was with her three lady friends who went to a beach in Siargao.

May isang photo silang apat na nakatalikod habang naka-bikini. At dahil mala-thong ang suot ni Nadine na bikini ay labas talaga ang kanyang cheek buns.

With that, lait ang inabot ng dyowa ni James Reid sa social media.

“Grabe naman si Nadine magbikini kulang na lang wala ng saplot ang pwet.”

“Puwet Festival. #buttpamore!!!”

“Ang arte ayaw magpa picture tinanggihan mga fans mukha lang naman assistant ni James Ribs.”

‘Yan ang mga comment laced with lait factor kay Nadine.

To the rescue naman ang ilang JaDine fans at sinopla ang mga bashers.

“Magpunta kayo sa beach tapos mag pajama kayo kahiya naman sa inyo.”

“Wow, yan ang katawan may ipagmamalaki, kaya maraming naiinggit Kay Nadine sexy na talented pa.

Read more...