AGOT ISIDRO kilig na kilig sa kaguwapuhan, kaseksihan ni ENRIQUE


Samantala, marami naman ang nagulat nang malaman nilang makakasama rin sa Muling Buksan Ang Puso ang dalawang magagaling na aktres na sina Agot Isidro at Cherie Gil.

Kamakailan lang kasi ay napapanood pa sila sa GMA 7, pero biglang mga Kapamilya na uli sila. Ayon kay Cherie, masaya siya na nakabalik uli siya sa Dos kung saan talaga siya nagsimula, habang si Agot naman ay nagsabing, “It always feels good to be home!”

First time namang gaganap na deglamoried si Cherie Gil sa isang soap kaya magugulat daw tiyak ang manonood.  Puro papuri rin ang ibinigay nina Agot at Cherrie sa mga bida ng seryeng sina Enchong, Enrique Gil at Julia Montes.

Bukod kasi sa magagaling na ang mga bagets ay professional din ang mga ito at madaling makatrabaho.  Sa The Buzz kahapon, hindi napigilan ni Agot ang kiligin nang mapag-usapan si Enrique, nagbiro pa nga ito na nanghihinayang siya dahil nanay ng binata ang role niya sa serye. Naguguwapuhan daw kasi ang aktres kay Enrique.

Read more...